HINDI nakapiyok ang mga kilalang supporter ni Vice President Leni Robredo sa patutsada ni Manila Times columnist Bobby Tiglao na hindi sila mga botante sa Pilipinas at hindi maaaring bumoto sa darating na Mayo 9.
Hanggang sinusulat ito ay tahimik ang kampo nina Maria Ressa at Jim Paredes sa patutsada ni Tiglao.
Sina Ressa at Paredes, kasama ang nakatira rin sa US na si Loida Lewis at iba pang supporter na US citizens, ang nangunguna para ikampanya si Robredo na wala namang ginawa kundi siraan ang kampo ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
“What I really hate are those who’re so angry at BBM and telling people to vote for Leni when 1) they’re not even registered voters and 2) have abandoned their country of birth to become US, Canadian, Timbuktu citizens and don’t vote here. I’m having a mind to expose you,” ani Tiglao sa kanyang Twitter account na @bobitiglao.
“I’ve been taunting social-media active kakampinks like Ressa, Jim Paredes, Rappler staff if they are registered voters for May 9. None has responded. I’m beginning to suspect out of the purported 20% voting for her in polls, only 10% can vote,” sabi pa sa kanyang post.
Sina Ressa at Paredes ay solidong dilawan. Si Ressa, bilang chief executive officer ng Rappler, ang pasimuno ng mga banat kay Marcos, gayundin si Paredes na nangunguna sa pamba-bash sa standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Kapwa nasangkot sa kontrobersiya sina Ressa at Paredes. Kinasuhan si Ressa dahil ang kompanya nito ay hindi nagbabayad ng buwis at may piyansa lang sa hiwalay na kasong libel, samantalang si Paredes naman ay may viral video kung saan ito nagma-masturbate na labas ang dila habang may ka-chat na babae.
Bukod sa kanila, marami pa umanong staff mula sa Rappler at iba pang mga kumakampi sa kanila na tulad ni Loida Lewis na nakatira sa US, ang hindi rin botante, bagay na ikinaiirita ng netizens.
“Kung makabanat sila kay Marcos, wagas. Foreigner na nga ang may ari ng kompanya nila, pati sila hindi mga botante!” sabi ng isang netizen.
“Including Ressa and Maritess, how many among the staff of Rappler are registered voters?” tanong pa ni Tiglao sa kanyang Twitter account.
Nauna nang pinaratangan ng Malakanyang ang Rappler na bukod sa pagiging foreign funded ay biased ito at pasimuno ng fake news.
Isa rin ang Rappler sa ‘fact checker’ ng Facebook na ang madalas kinakatay na FB account ay mga tagasuporta ni Marcos. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
522