Makabayan bloc kay VP Sara: TAMA NA ASAL-PUSIT

“ENOUGH of the squid tactics.”

Ito ang panawagan ng Makabayan bloc sa Kamara kay Vice President Sara Duterte matapos palabasin na may alyansa ang kanilang grupo kina House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban sa kanya.

“It is imperative to set the record straight: no such alliance exists,” ayon sa nasabing grupo na kinabibilangan nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, ACT party-list Rep. France Castro at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Itinuturing ng grupo na isang ‘squid tactics’ ito ni Duterte upang ilihis ang usapin sa maling paggamit nito sa kanyang confidential funds noong 2022 na nagkakahalaga ng P125 million na nagastos nito sa loob lamang ng 11 araw.

Sa nasabing halaga, P73 million ang inisyuhan ng notice of disallowances ng Commission on Audit (COA) dahil ginamit itong pambili ng silya at mesa, pagkain at medisina na walang kaugnayan sa surveillance.

Tanging hiling umano ng mga ito kundi ipaliwanag ni Duterte ang nasabing isyu lalo na kapag humarap itong muli sa House committee on appropriations sa Setyembre 10, para idepensa ang 2025 budget ng kanyang tanggapan na nagkakahalaga ng P2.032 billion.

Kailangan din aniyang ipaliwanag ng pangalawang pangulo ang audit report COA sa budget ng Department of Education (DepEd) para sa taong 2023 dahil karapatan ng sambayanan na malaman ang katotohanan dito.

“Vice President Duterte must answer the extreme under utilization of the Department of Education budget while she had 100% utilization of confidential funds,” ayon pa sa nasabing grupo. (BERNARD TAGUINOD)

46

Related posts

Leave a Comment