MAKALIPAS ANG 5-TAON: BASURA IBABALIK NA SA CANADA

basura canada12

(NI FRANCIS SORIANO)

MAKALIPAS ang mahigit limang taon ay nakatakda na rin ibalik ang 1,500 toneladang basura ng Canada na ipinadala sa Pilipinas noong 2013,  matapos kumpleto ang proseso ng pagbabalik nito anu mang  araw simula ngayon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, nasa fumigation process na ang 69 container vans na nasa Subic, Zambales at nakatakdang dalhin sa Burnaby na kalapit ng Vancouver para mai-convert ito bilang electric power.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang umano ang mga kaukulang dokumento at routine permission para sa transshipment ng mga basura na nagmula sa Canada.

 

137

Related posts

Leave a Comment