LIBRE o walang bayad ang mga taong sasailalim sa 2019 novel coronavirus (nCoV) test, magpapa-admit at magpapa-quarantine sa government hospital.
Tugon ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa ulat na may mga pasyente ngayon na nagsasabi na ang libre lang sa coronavirus ay ang test subalit babayaran mismo ng pasyente ang pag-admit at pag -quarantine sa ospital.
“Eh kung sa private sila papasok eh talagang gagastos sila pero kung government palagay ko hindi,” ayon kay Sec. Panelo.
Imposible aniyang ipasagot ng gobyerno ang bayad sa mga indibidwal na magpapa-test at quarantine kung magpapa-admit ang mga ito sa mga government hospital.
Malinaw naman aniya ang sinasabi ng pamahalaan na walang dapat bayaran kahit piso ang mga magpapa-admit sa government hospital, magpapa-test para sa nCoV at magpapa-quarantine. CHRISTIAN DALE
259