Malabong masibak kahit ipilit pa ng Senado PDU30 KUMPIYANSA PA RIN KAY DUQUE

PINANINDIGAN ng Malakanyang na nananatili ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito’y sa kabila ng ulat na naghahanap na si Pangulong Duterte ng magiging kapalit ng Kalihim.

“We all serve at the pleasure of the President. Kung nawalan po ng tiwala ang Presidente, anytime, any Cabinet member can be removed,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kabilang dako, ayaw namang kumpirmahin ni Sec. Roque na naghahanap na si Pangulong Duterte ng kapalit ni Sec. Duque.

Sa ngayon, apela ni Sec. Roque ay hayaan si Duque na gampanan ang kanyang trabaho lalo at mayroong pandemic ng COVID-19 sa bansa.

Patuloy naman ang pangangalampag sa Senado para maalis sa pwesto si Duque.

Para kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, dapat magbitiw ang kalihim para mabawasan ang pasanin ng Pangulo.

“The secretary may consider taking the initiative to quit his post as an act of sacrifice, especially for the sake of those outside of the 868 dead Filipinos and 14,035 others so far confirmed by DOH as officially infected,” saad ni Lacson.

Hiniling naman ni Senador Risa Hontiveros sa Palasyo na kaagad sibakin si Duque upang maiwasan pa ang mga pagkakamali sa pamamahala ng pandemyang COVID-19. CHRISTIAN DALE, DANG GARCIA

62

Related posts

Leave a Comment