MALAKANYANG, KUMPIYANSA SA CLINICAL TRIALS SA COVID-19 VACCINES

KUMPIYANSA ang Malakanyang sa balita ukol sa clinical trials para sa pag-usad ng COVID-19 vaccines.

Inaasahan ng Malakanyang na ang pagsali sa vaccine clinical trials sa last quarter ng 2020 ng Department of Science and Technology (DOST) ay magiging daan para sa pangunahing gampanin.

Ang DOST ay inatasan na mag-provide ng collaborating organizations kasama ang Department of Health, World Health Organization and Food and Drug Administration ng Philippine guidelines sa vaccine clinical trials; tukuyin ang lokasyon, ang local institutions at Filipino researchers na makakasama sa collaborative trials; na tulungan ang local participating institutions sa kanilang panukala at pondo; makuha ang Ethics Board approvals; at isapormal ang mga kasunduan. CHRISTIAN DALE

206

Related posts

Leave a Comment