MALAKANYANG NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA REVILLA FAMILY

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya Revilla sa pagpanaw ni dating Senador Ramon Revilla Sr., sa edad na 93.

Si dating Senador Revilla, kilala bilang Hari ng Agimat, ay itinuturing na haligi ng movie industry bago pa siya pumasok sa pulitika.

Bilang halal na senador, kinilala siyang Father of the Public Works Act sa kanyang pag-akda sa Republic Act 8150, o Public Works and Highways Infrastructure Program Act of 1995.

“We share the grief of the Revilla clan, and as tributes pour to honor the life and legacy of this respected movie icon and public servant, we pray that the Almighty grant Mr. Revilla eternal repose,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kanyang Facebook live, kinumpirma ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang pagpanaw ng ama.

“Wala na po ang tatay ko, please pray for him,” umiiyak na pahayag ng senador.

Ipinakita rin ni Senator Revilla sa pamamagitan ng Facebook Live ang eksena sa hospital room matapos pumanaw ang ama. CHRISTIAN DALE

67

Related posts

Leave a Comment