MALAKANYANG NAKIRAMAY SA PAGPANAW NG SULTAN NG OMAN

Sultan Qaboos bin Said

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang pagpanaw ng Sultan ng Oman na si Sultan Qaboos bin Said.

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte expresses his sincere condolences and offers his fervent prayers to the government and people of the Sultanate of Oman as they mourn their beloved leader,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na para sa Malakanyang, si Sultan Qaboos ay “man of vision and foresight” kung saan ay ginawa nitong makabago at matatag ang kanyang bansa simula nang maupo siya noong 1970 hanggang sa pumanaw siya.

Si Sultan Qaboos ang dahilan kung bakit nakilala ang bansang Oman.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Sec. Panelo si Sultan Qaboos dahil sa mainit na pagtanggap sa mga filipino upang magtrabaho sa kanyang bansa  at ikunsidera ang Oman bilang kanilang pangalawang tahanan.

Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamahalaan ng Sultanate of Oman sa pagpanaw ni Sultan Qaboos bin Said.

Ayon sa DFA, labis nilang ikinalungkot ang pagpanaw ni Sultan Qaboos matapos makarating sa kanila ang ulat.

Iginiit ng DFA, ang Oman, sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Sultan Qaboos ay nangunguna sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa Gitnang Silangan.

Sinasabing ito rin ay isang mapagkawanggawa o mabuting host sa libu-libong mga Pilipino na ginawang pangalawang tahanan ang Oman kaya naman ang  mga Pinoy ay kaisa ng mga Omani sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Sultan Qaboos. (CHRISTIAN DALE)

106

Related posts

Leave a Comment