MALAKANYANG: VFA TERMINATION, NASUSPINDE LANG

“NAPAKALALIM ng sagot ko dyan, I defer to SFA.”

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Visiting Forces Agreement nito kasama ang US.

“Antayin nyo, bukas kami mag-uusap ni Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

Inamin ni Sec. Roque na dalawang linggo na niyang alam ang usaping ito ngunit wala siyang narinig mula sa Chief Executive ukol dito.

“Alam mo, alam ko na yan two weeks ago, pero I did not hear it from the President’s mouth so, wala I don’t know anything as far as the President is concerned. So bukas magkikita kami. Pero for now ang sabi ni Secretary Locsin, siya lang muna ang pwede magsalita on the communique, eh di sya,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., nagpadala na siya ng diplomatic note noongJune 1, 2020 sa US Embassy at natanggap na anya ito ng Washington.

Ipinaliwanag sa diplomatic note na ginawa ng Pangulo ang nasabing hakbang bilang pagkonsidera sa mga political at iba pang developments sa rehiyon.

Nakasaad din sa diplomatic note na magiging epektibo ang suspensyon ng VFA termination sa loob ng anim na buwan, na pwedeng palawigin ng Pangulo ng karagdagang anim na buwan.

Pagkatapos nito ay babalik ang termination process, base sa February note verbale.

Base sa note verbale noong February 11, 2020 ay opisyal na magiging epektibo ang VFA termination pagkatapos ng 180 araw mula sa panahon na natanggap ng US government ang notice.

PINABORAN

Samantala, isang welcome development para kay Senador Panfilo Lacson ang aniya’y ‘pagbawi’ ng Pilipinas sa naunang planong kanselahin na ang VFA ng Estados Unidos.

Sinabi ni Lacson na mahalaga ang VFA lalo na at tuluy-tuloy ang pangangamkam ng China sa teritoryo ng Pilipinas partikular sa West Philippine Sea.

Kasabay nito ang paglilinaw ni Lacson, na hindi siya pro-American at tanging ang kalagayan ng bansa ang nais niyang maisulong.

“First, just so it is clear where I’m coming from: I am not pro-or anti-American, as in actual fact, they took away my US visa a long time ago. Nor am I pro – or anti-Chinese since I have many friends in and out of Beijing,” sabi nito.

“That said, the President’s change of heart is a welcome development as far as defense and economic security of the country is concerned. The Philippines needs the Visiting Forces Agreement especially now that Chinese intrusions into our territory, particularly in the West Philippines Sea, have become commonplace,” ayon pa sa senador.

Ang huling bagay aniya na dapat mawala ay ang balanse ng kapangyarihan ng USA, bukod sa iba pang mga kaalyado tulad ng Australia at iba pang mga kapitbahay sa ASEAN, na maaaring magbigay upang umangkop sa ating pambansang interes at integridad ng teritoryo.

“It is a no-brainer that we can’t stand on our own and protect ourselves from harassment coming from those intrusions,” aniya pa. CHRISTIAN DALE/ NOEL ABUEL

150

Related posts

Leave a Comment