MALILIIT NA PRIVATE SCHOOLS KAILANGAN DIN NG AYUDA – SOLON

HIHILINGIN ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso na i-extend pa ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Finance (DOF) at Department of Education (DepEd) ang kanilang financial aid para matugunan ang pangangailangan ng mga teacher at staff ng maliliit na pribadong eskuwelahan.

Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette “BH” Herrera, umaabot sa 500K ang small private school teachers sa bansa, ayon na rin sa nakuhang datos mula sa asosasyon ng mga guro sa pribadong eskuwelahan at nangangailangan din ang mga ito ng tulong mula sa nabanggit na mga ahensiya ng gobyerno upang makapagpatuloy sa kanilang pagtuturo partikular sa mga nasa kindergarten.

“There is already an institution in place, the Fund for Assistance to Private Education (FAPE). Many of these small schools are part of the Education Service Contracting (ESC) Program of the DepEd. FAPE and ESC have existing databases which can be used to identify beneficiaries,” pahayag ni Rep. Herrera.

“Massive unemployment would certainly happen if the national government does not urgently respond now,” ayon pa sa mambabatas. CESAR BARQUILLA

159

Related posts

Leave a Comment