MALING MEMO SA CUSTOMS GINAGAMIT SA SMUGGLING

KOREA BASURA12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINAREREBYU ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Customs memo na posibleng nagagamit ng mga smugglers sa droga at iba pang kontrabando.

Iminungkahi ito ni Iligan City Rep Frederick Siao kay Commissiner Rey Guerero matapos matuklasan sa kanilang imbestigasyon ang sistema sa pagpasok sa bansa ng mga basurang iniangkat mula sa South Korea.

Sinabi ni Siao na dahil umano sa kaluwagan ng Customs ay nakapapasok sa bansa at posible pang kasabwat ang ilang tiwaling empleyado ng Customs sa iregularidad sa ahensiya.

Tinutukoy ng mambabatas ang section 4.7 ng CMO 18 kung saan hindi na umano iniinspeksyon ang isang cargo pagdating dito  kung mayroon nang pre-shipment inspection sa pinanggalingang bansa.

Base sa nasabing CMO 18, saka lamang umano iniinspeksyon ang isang cargo kapag peke ang dokumento ukol sa pre-shipment inspection sa pinanggalingang bansa, naka-alerto o kaya nagrequest ang importer na muling inspeksyunin ito.

Subalit ayon sa mambabatas, maaaring samantalahin ng mga smugglers at mga kasabwat ng mga ito sa BOC, ang butas sa Customs memo sa pamamagitan ng pekeng pre-shipment inspection.

 

 

174

Related posts

Leave a Comment