MALUWAG NA IMPORTASYON NG ASUKAL HINAHARANG SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGKAISA ang mga senador sa paghimok sa gobyerno na huwag ituloy ang planong liberalisasyon sa sugar industry na magiging rason para sa maluwag na importasyon ng asukal.

Sa Senate Resolution 213 na pirmado ng 23 senador, iginiit na dapat protektahan ang kapakanan ng sugar farmers at industry workers na nasa mahigit 20 lalawigan sa bansa.

Nakasaad sa resolusyon na nakababahala ang panukala ng economic managers para sa deregulation ng imports at payagan ang direktang importasyon ng asukal dahil sa mataas na halaga ng lokal na asukal kung ikukumpara sa pandaigdigang merkado.

Iginiit ng mga senador na ang planong ito ng economic managers ay magiging disaster sa sugar industry na nag-aambag ng P96 bilyon sa Gross Domestic Product.

Tiyak anilang maapektuhan ang kabuhayan ng 84,000 na magsasaka na karamihan ay small farmers at agrarian reform beneficiaries sa Cagayan Valley, Isabela, Tarlac, Pampanga, Batangas, Cavite, Camarines Sur, Cebu, Leyte, Iloilo, Capiz, Antique, Negros Occidental, Negros Oriental, North Cotabato, Davao del Sur, Bukidnon, Sultan Kudarat, Lanao del Sur, part of Pangasinan, Kalinga at Abra.

Nagbabala pa ang mga senador na kung babagsak ang sugar industry lalong tataas ang antas ng kahirapsan sa mga lalawigan na posible ring magresulta sa mataas na kriminalidad at insureksyon.

Nakasaad din sa resolusyon na dapat magsagawa ang kaukulang kumite ng pagsisiyasat hinggil sa nakabinbing sugar liberalization na naglalayon umanong pangalagaan ang kapakanan ng 84,000 sugar farmers at 720,000 industry workers sa 20 lalawigan.

 

268

Related posts

Leave a Comment