MANUAL ENCODING NG PPCRV UMPISA NA

ppcrv22

(NI DAHLIA S. ANIN)

INIANUNSIYO na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsisimula ng manual encoding para sa nga printed election return, nitong Martes.

Ayon kay Agnes Gervacio, media director ng PPCRV, ang mga volunteers nilang estudyante na galing sa Asia Pacific College ay nagsasagawa ng validation process kung saan maikukumpara at maichi-check nila kung nagkakatugma ba ang mga electronically transmitted results na ipinakikita sa kanilang mga screens sa loob ng kanilang command center sa Maynila.

Sinabi rin ni Gervacio na ang actual election returns ay pinipick-up ng kanilang mga coordinators at dinadala sa Pope Pius.

Nagpapatuloy pa rin umano ang ginagawang pagkolekta at ang hawak pa lang nila ay galing sa mga siyudad sa NCR, partikular na sa Pasay, San Juan, Makati at Maynila.

Ang ibang galing naman sa probinsya lalo na ang mga galing sa Norte ay inaasahang darating sa hapon.

Nauna ng sinabi ng PPCRV na nasa 300,000 libong volunteers ang kanilang ipinakalat noong election.

Nasa 100 volunteers naman ang nagmamando sa kanilang command center at napapalitan ito ng tatlong beses dahil sa kanilang tatlong shift kada araw.

215

Related posts

Leave a Comment