‘MAPAGKUMBABANG TATALIMA’

INIHAYAG ngayong Miyerkoles ng gabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na mapagkumbaba siyang tatalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ang kanyang posisyon.

“My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told,” sabi ni Faeldon sa inilabas na statement.

“I most humbly bow to my commander-in-chief’s order without any hard feelings,” dagdag pa nito.

Nauna rito, sa isang press briefing, sinabi ni Duterte na kailangan nang magresign ni Faeldon dahil nilabag nito ang pangako sa Pangulo na maglilingkod ng tapat sa bansa.

Naging kontrobersiyal si Faeldon sa mga anomaly sa loob ng BuCor kabilang ang pagpapalaya ng heinous crime convicts sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) law.

“Nagdesisyon na ako kagabi. Iniuutos ko na mag-resign na si Faeldon sa lalong madaling panahon,” sabi ng Pangulo.  “Faeldon has to go because Faeldon disobeyed my order,” ayon pa sa Pangulo.

Gayunman, nang tanungin si Duterte kung sinisibak niya si Faeldon, sinabi nitong totoong sinibak niya ang BuCor chief.

42

Related posts

Leave a Comment