Marami ang under reported – Sec. Galvez 50% RECOVERIES NG PINAS SA COVID-19

NANINIWALA si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na naglalaro sa 40 hanggang 50 porsiyento ang nakakarekober sa mga tinamaan ng corona virus sa bansa.

Ani Galvez, idinedeklara lang naman kasi sa listahan ng mga recovered ang mga na-admit o na-confine.

Aniya, sa ngayon ay may nakikita silang under reported recoveries kabilang ang mga kinapitan ng virus na hindi naman namalagi sa ospital.

“So iyon po ang nakikita po namin na napakaganda po ng mga indicators. Sinasabi ko nga po, una, bumaba po, almost single digit ang death; second, ang recovery po natin ay [more] than 250 or nakita natin na may mga under reported na recoveries pa tayo,” ayon kay Galvez.

“I believe ang ating recoveries is more or less 40 to 50%, hindi lang natin declared because of ang dini-declare po natin sa recovery ay iyon lang na-admit. And then third, iyong new cases, iyong positivity natin ay mababa, at the same time, tumaas na po ang level ng testing capacity natin ngayon. Iyon po ang mari-report ko ngayon, at iisa na lang po ang ECQ at karamihan po ay nasa low risk na po tayong lahat,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Sa kabilang dako, pinuri rin ng kalihim ang mga doktor na aniya’y alam kung paano tutugunan ang isang kaso ng COVID 19 at maiwasan ang isang pasyente na sumailalim pa sa intubation.

Pahayag ni Galvez, sadyang marami nang natutuhan ang mga otoridad pagkatapos ng tatlong buwang karanasan dulot ng tumamang virus. (CHRISTIAN DALE)

73

Related posts

Leave a Comment