MARAWI SIEGE PART 2 FAKE NEWS – BRAWNER

brawner12

(NI JESSE KABEL)

MARIING PINABULAANAN ngayon ng Philippine Army (PA) ang bantang muling sasalakayin ng ISIS-influenced terrorist ang lungsod ng Marawi kasabay ng nagaganap na religious activites sa Abubakr Masjid (Markaz), Basak Malutlut  ng nasabing siyudad.

“ Please be informed that there is NO TRUTH to the rumor that there will be another siege that shall happen in Marawi City due to the alleged presence of ISIS-inspired terrorists in the three-day Juhor currently happening at Abubakr Masjid (Markaz), Basak Malutlut,”  pahayag  Brigadier General Romeo Brawner, Jr. ng  103rd Brigade.

Ayon kay  Brawner nakipag-ugnayan sa kanila ang  Juhor at bunsod nito ay may mga pulis at sundalong ipinakalat sa lugar para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang Islamic  Holy activity na dadaluhan din ng mga foreign participants.

Tiniyak ng  mga kinatawan ng Juhor na babantayan din nila ang kanilang hanay at agad na isusumbong sa military ang kahina-hinalang tao o mga pagkilos.

Hiniling naman ng liderato ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na bigyan sila ng listahan ng mga foreign participants.

Ayon pa kay Brawner, may mga sundalong Muslim din ang makikiisa sa nasabing religious activities na nagsimula nitong Huwebes.

Tiniyak pa ng opisyal na lahat, maging ang provincial government, municipal mayors, religious and community leaders, at  securiry sector ay nagtutulong-tulong upang hindi na maulit muli ang madugong  2017 Marawi siege.

 

105

Related posts

Leave a Comment