Marcos admin sinisingil KINITA SA SIN TAXES SAAN NAPUNTA?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINDI titigil ang mga health advocate na pigilan ang administrasyong Marcos Jr. sa paggamit sa pondo ng ilang ahensya ng pamahalaan para pondohan ang kanilang mga programa.

Sa Pandesal forum noong isang linggo, kinuwestyon ng mga health advocate na kinabibilangan ni Cielo Magno, kung saan napunta ang kinita ng gobyerno sa sin taxes na nakalaan para sa kalusugan.

Muli rin nilang kinondena ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth para sa infrastructure program ng administrasyong Marcos.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nakaprograma na ang mga proyekto ng gobyerno ngayong taon.

“I don’t have the details where those funds have actually been used, but broadly yes [they were used in infrastructure projects and they were] meant to address the need for funding for those projects that have been identified, and programmed for implementation within the year,” paliwanag ng NEDA chief.

Kabilang aniya rito ang mga ahensyang tulad ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Government Service Insurance System (GSIS), at Social Security System (SSS).

Sa X, hindi naiwasang maglabas ng kanyang opinyon si Doc Tony Leachon na isa ring health advocate.

“Grabe ang pag abuso sa pondo ng bayan. Pang Kalusugan kinakana din. Walang awa.” Post ni Leachon.

Hiniling din niya sa taumbayan na labanan ito na aniya’y isang technical malversation.

Sumang-ayon naman ang ibang netizens na nagbigay rin ng kanilang reaksyon:

MRM:
Saan nga ba napunta ang sin taxes

Ed:
This is a legitimate question that has to be answered by both @HouseofRepsPH and @senatePH, very specific ang allocations and utilization under the Sin Tax Law, there can be no deviations under the GAA as the latter cannot amend existing laws

Bernadette:
We demand transparency.

Green:
While busy ang lahat sa drama rama ng Dutertes ang mga Marcos naman pailalim na winawaldas na ang pondo ng bayan (para sa kalusugan at para sa pensyon ng mamayan sana yun)

34

Related posts

Leave a Comment