MARCOS ADMIN ‘WAG PURO ‘DRAWING’ – KOKO

PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gobyerno na gawing realistic ang mga target nitong accomplishment para sa kapakanan ng taumbayan.

Sinabi ni Pimentel na ngayong halos dalawang taon na ang Marcos administration, marami na ang naghahanap ng katugunan sa ipinangako nitong P20 kada kilo ng bigas at milyun-milyong housing projects para sa mahihirap.

Iginiit ng senador na mas makabubuting realistic target ang gawin ng administrasyon sa mga susunod pang taon at huwag ang mga ipinangakong datos noong ito ay nangangampanya pa lamang.

Payo pa ng mambabatas na maging tapat sa taumbayan at huwag silang paasahin sa mga pangakong mahirap tuparin.

Aminado naman si Pimentel na kapuna-punang natapos na ang ‘honeymoon’ period sa pagitan nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Kapuna-puna naman anya na ang nagiging mukha ni Pangulong Marcos ngayon ay si House Speaker Martin Romualdez na alam naman ng lahat na hindi maganda ang relasyon sa Bise Presidente.

(DANG SAMSON-GARCIA)

124

Related posts

Leave a Comment