Marcos nasukol, napaamin BILYONG FLOOD CONTROL WA EPEK

(CHRISTIAN DALE)

MISTULANG nasukol at napaamin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nawalan ng silbi ang mga ipinagmalaki niyang flood control projects sa nagdaang Bagyong Kristine.

Sa isang ambush interview sa Laurel, Batangas nitong Lunes, tinukoy ni Pangulong Marcos ang flood control projects ng bansa ay ”overwhelmed” sa pagbuhos ng malakas na ulan. Aniya ang naturang malawakang pagbaha ay hindi nangyari noon.

‘Hindi talaga kaya dahil sa buong kasaysayan ng Pilipinas wala pang ganito, ngayon lang natin haharapin ito. Kaya dapat maunawaan talaga ng tao, hindi lamang ‘yung budget kung hindi kung ano ‘yung science, what’s the science, follow the science. See what’s happening” litanya nito.

Kasabay nito, pabor ang Pangulo sa plano ng mga mambabatas na siyasating mabuti ang mga flood control project ng pamahalaan matapos ang pinsala ng Severe Tropical Storm Kristine.

‘Oo, Sige! Wala akong problema. But also they have to realize there are two sides to this. Sinasabi ‘yung flood control– talagang na-overwhelm ang flood control natin. May flood control tayo, hindi kaya,” ayon sa Pangulo.

Noong Biyernes, tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tatanungin ng mga senador ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kung ano ang nangyari sa multi-bilyong pondo para sa flood control projects.

“Inaasahan ko na ito ay dadalhin sa mga deliberas­yon ng badyet ng DPWH, DENR, DILG, DSWD, [at ang] DND/OCD,” sabi ni Escudero.

Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos ang matinding pagbaha na dala ng Severe Tropical Storm Kristine.

Nauna nang sinabi ni Escudero na nasa P255 bilyon ang inilaan para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa P5.768-trillion national budget para sa 2024.

Kaugnay nito, kailangang mag-adopt ang pamahalaan ng bagong disenyo sa pagtatayo ng imprastraktura para sa flood control at slope protection para maayos na matugunan ang banta ng climate change.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang kamakailan lamang na kalamidad kabilang na ang pagbaha ay masasabing ‘unprecedented’ hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

“Tingnan ninyo hindi lamang dito. Nakita niyo ba ‘yung nangyari sa Espanya? Nakita niyo ba ‘yung mga nangyayari sa iba’t ibang lugar? Sa States ‘yung mga nangyayari? Ganyan din. Doon din sa mga lugar na ‘yun ay ngayon lang nangyari ‘yan,” ang sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag.

“Kaya’t [ang] gagawin natin babaguhin natin ang mga design, patitibayin natin ‘yang mga infrastructure, mga flood control, ‘yung mga slope protection, pati ‘yung mga tulay, lahat ‘yan kailangan nating baguhin. Tingnan natin ang mas magandang design,” ayon pa sa Pangulo.

43

Related posts

Leave a Comment