MARTIAL LAW EXTENSION IPABABASURA SA SC

EDCEL LAGMAN

Ni Bernard Taguinod

PINAG-IISAPAN nang maigi ng ilang kasapi ng oposisyon sa Kamara na iakyat sa Korte Suprema ang kanilang pagtutol sa pagpapalawig pa ng isang taon ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, aalamin nila kung nakabatay ba sa Konstitusyon ang ikatlong extention ng martial law nang ipasa ng mayorya ng Kongreso ang Proclamation Order 216 nitong Miyerkules.

“Challenging the martial law is an option we are considering. It is very possible that we are going to file that petition before the Supreme Court,” ani Lagman sa press conference.

Batay sa rekord ng Kongreso, 235 mambabatas ang pumabor, 28 ang tumutol at isa ang absention, kaya pumasa ang agpapalawig ng martial sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2019.

Ayon kay Lagman, naniniwala ang kanyang grupo na walang dahilan upang pahabain pa ng isang taon ang batas-militar sa Mindanao dahil walang naipakitang basehan ang mga opisyal ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea na mayroong “existing rebellion and invasion” sa Mindanao.

“Ipauubaya natin sa SC na magdesisyon kung mayroon ba talagang basis ang martial law sa Mindanao,” ayon kay Lagman na kabilang sa 28 congressmen na tumutol sa nasabing resolusyon ng Kongreso

 

199

Related posts

Leave a Comment