MARTIAL LAW GAGAGAPANG BUONG BANSA– SOLON

martial law

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAGAPANG na sa buong bansa ang Martial Law kapag tuluyang naisailalim sa batas militar ang Negros Oriental dahil umano sa mga patayan sa nasabing probinsya sa mga nagdaaang mga araw.

Ito ang ibinabala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil hindi isinasara ng Palasyo ng Malacanang ang posibilidad na isailalim sa martial law ang lalawigan ng Negros Oriental.

“They are already setting the stage for that (martial law sa buong bansa),” ani Zarate lalo’t nagsisimula na rin umano ang patayan sa Bicol region kung saan 63 na umano ang namamatay sa nasabing rehiyon.

“Sa katunayan, ang buong Pilipinas ngayon ay nasa state of lawlessness sa buong bansa.  Isang level na lang yan puwede na nilang ijustify ang martial law,”dadag pa ni Zarate sa press conference.

Hindi na magtataka ang mambabatas na kung maisailalim sa martial law ang Negros ay isusunod na ang Bicol at gagapang na aniya na ito sa buong bansa lalo na’t kailangan umano ito ng gobyernong Duterte upang maisulong na ang isyu na tinututulan ng mamamayan tulad ng Charter Change.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng Martial Law ang buong Mindanao region na magtatagal hanggang Disyembre 31, 2019 subalit ngayon pa lamang ay iminumungkahi na ang pagpapalawig dito.

Sinabi naman ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro na lalong dadanak ang dugo sa Negros Oriental sa sandaling isailalim ang nasabing lalawigan sa batas militar.

“This will only result in more killings and human rights violations against farmers, activists, human rights defenders, environmentalists and educators,” ayon pa sa mambabatas.

Base sa datos ng mga militanteng mambabatas, 84 na umano ang namamatay sa Negros Oriental na isinisi nila sa Oplan Sauron kung saan unang nagsasagawa umano ang mga security forces ng gobyerno ng paniniktik ng mga taong nakikipaglaban sa karapatang pantao.

286

Related posts

Leave a Comment