IPINASA ng Kongreso ang kahilingan ng administrasyong Duterte na tumagal pa hanggang Disyembre 31 sa susunod na taon ang martial law sa Mindanao.
Sa magkasamang sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso, 235 mambabatas ang pumabor sa panukala, samantalang 28 ang tutol at isa ang abstention.
Sa bilang na ito, 12 ang senador na pumayag at lima ang tumutol.
Ikatlong pagpapalawig na ito.
Ang umiiral na batas militar sa Mindanao ay magtatapos sa December 31.
Pimabor ang mga mambabaras sa kahilingan ng administrasyon na mapalawig pa ng isang taon ang batas-militar sa Mindanao dahil nakumbinsi sila sa argumento ng mga opisyal ng administrasyon na patuloy na umiiral ang terorismo at rebelyon ng mga armadong grupo sa rehiyon.
96