MASK-FREE CHRISTMAS NG IATF, WISHFUL THINKING -SOTTO

0

TINAWAG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na wishful thinking ang pagnanais ng Inter-Agency Task Force na maging face mask-free ang Pasko ngayong taon.

“Wishful thinking siguro yun, face shield pa lang sinasabi na ‘wag na, ayaw nila, face mask pa?” diin ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na kailangang tiyakin ang proteksyon sa taumbayan upang hindi na kumalat pa ang virus.

Muli namang iginiit ni Sotto ang kanyang paninindigan laban sa paggamit ng face shield sa mga hindi ‘enclosed’ na lugar.

Umaasa ang Senate President na sa ilalabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mas magiging linaw ang polisiya sa paggamit ng face shield.

“Ako, kasi ang pananaw natin kapag sinabi ng pangulo at may basis siya dapat susunod na ang kayang mga opisyal. Sa ibang bansa walang nagma-mandate ng face shield,” diin ni Sotto.

“Common sense nasa labas ka, naglalakad, napakainit hindi ka makahinga magpe-face shield ka pa rin?..As far as the President is concerned at iba pang opisyal, sumasang-ayon sa amin, hindi nila maintindihan ang consultants ng DOH para sa paggamit ng face shield,” dagdag ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment