MASS LAYOFF SA GOBYERNO SA 2021?

govt workers56

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG hindi kikilos si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing regular ang mga contractual employees sa gobyerno sa lalong madaling panahon, hindi bababa sa 800,000 ang mawawalan ng trabaho sa Enero 2021.

Ito ang ibinabala ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) na dating pinamumunuan ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite.

“Promises of increasing salaries of government workers and ending contractualization remain unfulfilled. This renders the President’s pronouncements as mere election propaganda, or worse, an attempt to lull legitimate protests of public sector workers,”  ani Santiago Dasmariňas, national president ng  Courage.

Nabatid na umaabot sa 800,000 ang contractual employees sa gobyerno at bagama’t pinatatapos ng Pangulo ang endo scheme sa pribadong sektor ay hindi inireregular ang mga empleyadong ito.

Ito ay dahil nangangamba ang grupo na tatangalin na lamang ang mga ito sa sandaling maipatupad na ang Joint Circular No. 1 series of 2018 ng Department of Budget and Management (DBM), Civil Service Commission (CSC) at  Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Roxanne Fernandez, spokesperson ng Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon, bawal na ang pagkuha ng gobyerno ng mga contractual employees simula Enero 2021.

“This will surely result to massive lay-off of contractual employees by January 2021,”  ani Fernandez kung hindi mairegular ang may 800,000 contractual employees bago sumapit ang nasabing petsa.

Lalong madaragdagan umano ang bilang na ito na mawawalan ng trabaho kapag tuluyan nang maisapribado ang mga government hospitals kaya inaasahang matatanggal din ang mga empleyado kahit regular na.

Dahil dito, sasama umano ang mga empleyado ng gobyerno sa United Peoples SONA protest na isasabay sa State of the Nation Address ni Duterte sa Hulyo 22, upang hilingin sa Pangulo na tuparin ang kanyang pangako sa kanila.

155

Related posts

Leave a Comment