MASS REPATRIATION NG PINOY SA LEBANON KASADO NA – DFA

NAGHAHANDA na ang Philippine Embassy sa Beirut para sa posibleng mass repatriations ng mga Pilipino sa Lebanon sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

“Ang Embassy po natin doon led by Ambassador Raymond Balatbat… has been coordinating naman with the Filipino community in taking the steps necessary to initiate mass repatriation in case the need arises, the violence multiplies and it start affecting those neighborhood where there are Filipinos,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Robert Ferrer.

Gayunman, binigyang diin ni Ferrer na ayaw muna ng mga awtoridad ng pamahalaan na magpatupad ng mandatory repatriation sa Lebanon, sa katwiran na maraming Pinoy ang ayaw lumisan.

Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Lebanon, na ang ibig sabihin ay maraming Pilipino ang maaaring boluntaryong umuwi.

Maaari namang itaas sa Alert Level 4, panawagan para sa mandatory evacuation sa oras na magkaroon ng “large-scale internal conflict or full-blown external attack” sa isang lugar.

Tinuran pa ng departamento na mayroong mahigit sa 11,000 Filipino sa Lebanon, karamihan sa mga ito ay babaeng household service workers.

Nauna rito, hinikayat ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga Pilipino na lumikas na habang nananatiling available ang commercial flights sa gitna ng nagpapatuloy na pagpapalitan ng rockets ng Israel at Hezbollah. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment