Matapos manood ng F1, concert naman BBM PURO ‘GOODTIME’ – NETIZENS

bbm

BINATIKOS ng netizens ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nakatakdang maghandog ng konsyerto ang Palasyo ng Malacañang sa mga guro sa darating na Oktubre 1, 2023.

Ito na ang ikatlong gaganaping Konsyerto sa Palasyo (KSP).

Sa Facebook post ng PCO, inimbitahan nito ang publiko na makisaya sa “Konsyerto sa Palasyo para sa Mahal Nating mga Guro” ngayong selebrasyon ng National Teachers’ Month.

Mapapanood umano nang live ang naturang programa sa official Facebook page ng KSP at iba pang State-run social media platforms.

Ang kauna-unahang KSP ay isinagawa noong Abril 22, 2023, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Muli namang nadismaya ang mga netizen dahil tila mas inuuna anila ng Malakanyang ang magsaya gayung lugmok sa kahirapan ang mga Pilipino.

Tanong ng isang netizen: bakit kailangan laging may party? Wala anilang dahilan para magdiwang ang Palasyo sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya ng bansa.

May mga nagpatutsada rin na mabilis lang si Pangulong Marcos sa mga kasayahan ngunit sa trabaho ay kulelat ito kaya hindi matugunan ang mga problema ng naghihirap na Pilipino.
Narito ang iba pang komento sa X (dating Twitter):

Pau:
‘ Teachers: “We need classrooms for the kids, materials for visual aids and learning materials, and also we need a livable wage.”
Malacañang: “Nah, here’s a concert to “honor” you.”

Juvs:
Sureeeee because that’s what teachers want and need. Good job identifying that.

MsNewBungisngis:
Yun talaga core competency ng binoto niyo, mag-party.

Arbet:
You can honor teachers better by removing confidential funds.
Much better: remove the secretary of education.

REDGE:
If you want to honor the teachers, raise their salary and provide them with better benefits. Aanhin nila ang concert??? Yung totoo, para ba sa kanila or sinangkalan lang para makapag-party ang #partyboyngPinas

Hanash Daily:
A better way to honor them: raise their pay, address the classroom backlogs, give a realistic teacher-student ratio, implement a curriculum with their inputs and #FireSara to appoint a more qualified education secretary.

Nix:
Hanggang dito na lang talaga kaya ng utak ni bbm. what he can do for the people – party

Ro Agnew:
Another cosmetic patch to a deep gash in the education sector, esp teacher’s plight. What’s male version of Imeldific?

Cognac:
Jusko. Itaas niyo ang sweldo nila, ayusin ang facilities, at bigyan ng supporta sa pagbabago ng curriculum from K-12 to K-10.

aLLaN:
Honor nyo sila ng salary increase or bonus, hindi ng concert. Pwede ba ipambili ng mahal na bilihin ang concert?

obsessed abbi:
Hahahahahaha so ayan an major flex nila, imbes na taasan ang sahod aawitan nalang nila

Lion:
After manood ng F1 pa concert naman

purplepoetry88:
150,000 classroom shortage
189,424 classrooms for repairs
224,981 sets of tables & chairs lacking
144,789 teachers shortage
94,540 needed ESP
Maayos na benepisyo?
Mas mataas na sahod?
Pero sige, concert na lang. Ok naman siguro yan sa mga teachers na bumoto sa inyo.

207

Related posts

Leave a Comment