MATTEO GAUDICELLI, 2 PANG AKTOR, UMANIB SA PHIL ARMY

matteo12

(NI JESSE KABEL)

TATLONG celebrities, sa pangunguna ni Matteo Gaudicelli, ang Italian decent na boyfriend ng sikat na singer na si Sarah Geronimo, ang opisyal na pinanumpa nitong Lunes, bilang bagong kasapi ng Philippine Army.

Sa report na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Army Office of Public Affair chief , Bgen Ramon “Demi” Zagala, nanumpa bilang mga reservist ng Armed Forces of the Philippines sina Matteo Gaudicelli , Ivan Carapeit, at Luiz Ruiz sa punong himpilan ng Army Reserve Command sa (ARESCOM), sa Tanza, Cavite.

Ang tatlong celebrities ay nag-enlist bilang mga private kung saan ang kanilang ranggo ay ikinabit ni Major General Bernie Langub, ARESCOM Commander, kasunod ng regular Monday flag-raising ceremony.

Ayon kay Langub, ang mga bagong  reservists ay isasabak  sa training para ihanda sa mga kaganapan gaya ng mga sakuna, kalamidad o national emergencies.

Sumaksi sa donning of rank at oath-taking ang pamilya nina Gauidicelli at  Carapeit na nagpakita ng suporta sa kanilang mga anak.

“Higit pa sa suot nilang uniporme, ang kagustuhan nilang magsilbi sa bayan at maging handa sa anumang kaganapan ang mahalaga,” ani Langub

“The rank is em-placed near their heart because it means only those who have the heart to serve will be fit to wear the uniform,” ani  Langub . “It is beyond the uniform, it is all about the willingness to serve the country and being prepared for any eventuality.”

“I congratulate these brave young men for choosing to serve,” ani Langub.

 

128

Related posts

Leave a Comment