Matutuldukan lang sa hair follicle test – Roque ‘DRUG USE’ ISSUE MANANATILING MULTO KAY PBBM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MANANATILING multo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin ng paggamit ng ilegal na droga hangga’t hindi niya ito tinutugunan.

Kaya naman para kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, dapat sumailalim na sa hair follicle test ang Pangulo para matapos ang pagdududa ng marami.

Ani Roque, hindi matutuldukan ang agam-agam ng publiko kung patuloy iiwas sa panawagan ng taumbayan ang Pangulo.

Nagsimulang uminit ang panawagan para sa drug test ni Marcos, Jr. matapos sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang rally sa Davao City na gumagamit ito ng ilegal na droga kaya ang Pilipinas ay ‘may bangag na presidente’.

Kasunod nito ang pagkalat ng sinasabing pre-operation report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong 2012 kung saan nakasulat na kabilang sa target ang noo’y senador na si Marcos Jr.

Ani Roque, karapatan ng publiko na malaman kung nasa matinong pag-iisip ang Pangulo sa paggawa ng desisyon lalo na pagdating sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Matatandaang maging ang unang Executive Secretary at Chief of Staff ni Marcos Jr., na si Atty. Vic Rodriguez, ay hinamon itong sumailalim sa drug test.

Sa isang panayam ng Unang Balita ng GMA 7 kamakailan, hinikayat ni Rodriguez na sumailalim si Marcos Jr. sa “credible hair follicle drug test” para matuldukan na ang mga haka-haka at alegasyon na isa siyang illegal drug user.

“It’s not dignifying, it’s heading the call and the clamor of the Filipino people. You know, if you have nothing to hide, it simple, just undergo a credible hair follicle drug test, because, even my daughters who are very very young are subjected to random drug testing in their school, kaming mga magulang hindi kami nagreklamo, gusto nga namin eh, because what if our daughters would be associated with classmates that are drug dependents at this very early stage of their life,” ayon kay Rodriguez, kumalas sa administrasyong Marcos noong 2022.

50

Related posts

Leave a Comment