(NI BERNARD TAGUINOD)
SINAMANTALA ng mga mambabatas, hindi lamang sa Kamara kundi sa Senado, ang pagkakataon para makahingi ng tip kay Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad NA nasa bansa ngayon para sa tatlong araw na offiicial visit.
Kalahating oras din nakasama ng mga mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Mahathir sa Joint call sa Shangri-la Makati City, Miyerkules ng umaga.
“Oh, very cordial and of course he’s a very wise old man so the legislators were asking him a lot of advice and queries about the successes of his economy,” ani Arroyo hinggil sa kanilang pulong kay Mahathir.
Si Mahathir ang nasa likod ng pag-unlad ng ekonomiya ng Malaysia kaya sinamantala ng mga mambabatas na makahingi ang mga ito ng tip para magamit sa paggawa ng batas ay magamit din sa Pilipinas.
Hindi naman umano binigo ni Mahathir ang mga mambabatas dahil nagbigay ito ng advice subalit hindi ito idinetalye ni Arroyo maliban sa payo umano ng Malaysian leader na tiyakin na dapat balanse ang supply at demand.
“Yung mga katangi-tangi ng kaniyang liderato . Yung mga patakaran sa ekonomiya, ung relasyon sa mga Muslim,” dagdag pa ni Arroyo hinggil sa iba pa nilang napag-usapan ni Mahathir.
Malaki ang papel ng Malaysia sa peace process sa Mindanao kaya naniniwala si Arroyo kaya sinamantala ng mga ito na ireport ng personal kay Mahathir ang Bangsamoro Organic Law.
“As far as policy is concerned, the biggest role of Malaysia in the time of Prime Minister was his role in the peace process, and there is now the Bagsamoro which we reported to him and we are quite sure that he will be proud of the outcome of the work we did before,” ayon pa kay Arroyo.
155