MAYNILAD, MANILA WATER, GIGISAHIN NI PACQUIAO 

(NI ESTONG REYES)

GIGISAHIN ni Senador Manny Pacquiao ang Manila Water Inc., at Maynilad Water Services Inc., sa sinasabing “onerous concessioner contract” ng pamahalaan dahil lubha nang agrabyado ang consumer sa halaga at serbisyo ng tubig sa Kalakhang Maynila at karatig-bayan.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Pacquiao na kailangang imbestigahan ang kontrata ng pamahalaan sa dalawang water concessionaire  dahil karapatan ng Lehislatura na amyendahan, baguhin o bawiin ang anumang prangkisa o karapatan na ibinigay ng gobyerno kung kinakailangan.

“With this, I file a senate resolutions “Calling for an investigation in aid of legislation into the alleged onerous contract between the Philippine Government and water concessionaires Manila Water Company and Maynilad Water Services Inc.

Sinabi ni Pacquiao na nilikha ang Government Owned and Controlled Corporation dahil nabigo ang pamilihan at kailangan protektahan ng pamahalaan ang interes ng publiko.

“It is the responsibility of the State to pursue a policy that serves the general welfare and utilizes all forms and arrangements of exchange on the basis of equality and reciprocity,” ayon kay Pacquiao.

Pero, aniya, nang maibenta ang kompanya ng pamahalaan sa tubig, kuryente at telekomunikasyon, taumbayan ang nagdudusa at nagbabayad ng malaking halaga.

“Mr. President, ang masakit lang ay naibenta  na ang ating major GOCCs involving social services such as water, electricity and telecommunications. We are now reaping the consequences and paying at a high cost. Kawawa ang taumbayan,” giit niya.

Noong 1997, naisabatas ang Republic Act No. 8041 o ang “The Water Crisis Act, kaya naisapribado ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)  na may pangunahing mandato na ilipat ang utang nito sa pribadong sektor, mapaunlad ang pamantayan ng serbisyo , itaas ang operational efficiency at paliitin ang tariff impact.

Sa katulad na panahon, pumaloob ang pamahalaan sa 25-year concession agreement sa mga water concessionaire, Manila Water Company at Maynilad Water Serivces Inc.,  na dapat magtatapos sa 2022 pero pinalawig hanggang 2037.

Sinabi pa ni Pacquiao na nitong Nobyembre 2019, nagwagi ang Manila water sa arbitration case sa International Tribunal at naniningil ng P7.4 bilyon sa pagkalugi na dinanas mula 2015 hanggang 2019.

Aniya, natulaksan naman ng Department of Justice na may ilang probisyon sa kontrata na taliwas sa interes hindi lamang ng pamahalaan kundi ng consumer.

 

355

Related posts

Leave a Comment