MAYOR SA DRUG LIST NI PDU30 INAMBUSH

TINAMBANGAN ng mga armadong lalaki ang sinasakyang van ni Teresa, Rizal Mayor Raul Palino.

Pinalad namang makaligtas ang alkalde ngunit Sugatan sa insidente ang driver at body guard nito na hindi pa natukoy ang pangalan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng sasakyan ng alkalde ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue sa Brgy. Poblacion, Teresa nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang armadong kalalakihan.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Si Palino ay isa umano sa mga politiko na kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga. KNOTS ALFORTE

81

Related posts

Leave a Comment