MAYOR SARA IDINEPENSA NG PALASYO

(NI CHRISTIAN DALE)

IPINAGTANGGOL ng Malakanyang si Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio sa banat ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Mindanao.

Kaugnay ito ng una nang pahayag ng alkalde na huwag isali ang lunsod ng Davao sa inisyatibong tigil putukan ng pamahalaan sa makakaliwang grupo na hindi naman ikinagusto ng NDFP- southern Mindanao.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na gaya ng kanyang ama ay isa ring abogado si Mayor Sara kaya’t nalalaman nito kung ano ang dapat na manaig para sa kanyang nasasakupan nang wala namang nalalabag sa batas.

Kung sa tingin at paninindigan aniya ng alkalde ay ang grupo ng makakaliwa ang dapat sisihin sa ilang ulit na bigong peacetalks dahil sa marami nang criminal acts ng mga ito kaya’t humihingi ito ng exclusion sa peace talks ay walang magagawa ang NDFP.

Mensahe pa ni Panelo sa NDFP, humarap sa salamin sa gitna ng akusasyon nitong militar ang lumalabag sa ceasefire at napipilitan lang umano silang mag-self defense.

313

Related posts

Leave a Comment