(NI AMIHAN SABILLO)
PATUNG-PATONG na kaso ang kakaharapin ng mga alkalde sakaling patuloy na magbigay ng mayor’s permit, business permit at dapat kaselahin ang anumang permit na ipinagkaloob sa KAPA.
Ito ang babala ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapag hindi susunod ang mga alkalde sa memorandum na inilabas ni Interior Secretary Eduardo Año.
Ayon kay DILG spokesperson Usec Jonathan Malaya, mga kasong kriminal at administratibo ang isasampa sa mga alkalde kapag hindi nag-comply sa kautusan ng DILG.
Sinabi ni Malaya na naibaba na sa lahat ng mga regional offices at LGUs at natanggap na nila ang kanilang mga kopya.
Mahigpit umano ang direktiba ni Año sa PNP na tutukan at paigtingin ang kanilang pagbabantay laban sa mga grupo na nasa likod ng mga investment scam.
Hinimok din ng DILG ang mga mayors at publiko na agad magbigay ng impormasyon kung may nalalaman silang grupo o bagong tayong grupo na ganito ang modus nang sa gayon ay agad itong maaksiyunan.
165