Mayorya sa Kamara ‘di patas BUDGET NI MARCOS LUSOT AGAD

(BERNARD TAGUINOD)

BIGO ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mahimay ang panukalang pondo ng Office of the President sa susunod na taon nang agad itong aprubahan.

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mayorya at Makabayan bloc na sinabayan ng kilos protesta sa laban sa Batasan Pambansa.

Matapos ang budget presentation ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa P10,506,201,000 budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2025, agad magmosyon si Abra Rep. Ching Bernos na i-terminate ang pagdinig na pinalagan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

“I object Mr. Chair dahil sabi ng Presidente all government agencies undergo the same process sa budget deliberation bilang sagot sa Office of the Vice President (OVP). So Mr. Chair kung ite-terminate natin yung deliberations we affirming ang pagiging brat ng Vice President at pinapalabas natin na nagsisinungaling mismo Presidente by evading the process sa Congress na mag-undergo ng budget scrutiny Mr. Chair,” ani Manuel.

Kinontra ng OP budget sponsor na si Navotas Rep. Toby Tiangco ang katagang “nagsisinungaling mismo ang Presidente” kaya, nagmosyon si Iloilo Rep. Janette Garin na ipabura ito sa record ng Kamara.

Gayunman, matapos ang botohan, natalo ang Makabayan bloc na kinabibilangan nina Gabriela party-list Rep. Arlene Boras at ACT party-list Rep. France Castro.

Kasunod nito ay idinaan din sa botohan ang mosyon ni Bernos kung saan 48 ang pumabor at 3 ang kumontra kaya aprubado na sa committee level ang budget ng Pangulo na kinabibilangan ng P4.56 billion Confidential and Intelligence Funds (CIF).

Ayon naman kay Brosas, mistulang ipinagkait ng Kongreso sa publiko na malaman kung papaano ginamit ni Marcos ang kanyang pondo lalo na ang napakalaking CIF gayung pera ito ng taumbayan.

Sinabi naman ni Tiangco na may pagkakataon ang grupo nina Manuel na makapagtanong pagdating sa plenaryo hinggil sa budget ng OP kasama na ang lahat ng ahensya ng gobyerno.

Sa labas ng Batasan Pambansa, iniladlad ng mga raliyista ang napakalaking placard na may nakasulat na “Isoli Mo ang Ninakaw Niyo” at “No to Presidential Pork Barrel”.

62

Related posts

Leave a Comment