(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI malayong bilhin ng China ang mga media outfit at maging ang mga educational insitutions o ang mga eskuwelahan sa Pilipinas kapag tuluyang naamyendahan ang 1987 Constitution.
Ito ang ibinabala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kaugnay ng House Concurrent Resolution (HCR) 1 na inakda ni House committee on constitutional amendments chair Rufus Rodriguez.
“While the 1987 Constitution allows only Filipinos to own mass media in the Philippines, Chapter C Paragraph (7) of HCR 1 grants Congress the power to pass a law that will allow foreigners like China, the power to own media outfits and businesses,” ani Zarate.
“Can you imagine what will happen if China buys out ABS CBN, GMA 7, TV 5 and other media outfits? It can now influence public opinion by controlling Philippine media,” ayon pa sa mambabatas.
Nakasaad din umano sa mga Chapter C Paragraph (6) ng nasabing resolusyon na puwedeng mayme-may-ari ang mga dayuhan lalo na ang China ng mga eskuwelahan sa Pilipinas kaya hindi malayong bilhin din ng mga ito ang mga private schools sa bansa.
Kapag nangyari aniya ito, lalasunin na ng China ng tuluyan ang mga utak ng mga Filipino lalo na ang kabataan dahil tiyak na ituturo ng mga ito sa mga kabataan na sila ang may-ari sa West Philippine Sea.
“Patriotism and nationalism among the youth is a function of our educational system. China can now influence our youth and we could lose the next generation of Filipinos. Chinese universities here can even teach our children that the West Philippine Sea is really owned by China, and there is nothing we can do since they control these universities,” ani Zarate.
Naniniwala ang mambabatas na hirap pa rin ang China na tuluyang impluwensyahan ang Pilipinas patunay ang survey ng Social Weather Station (SWS) na walang tiwala ang mga Filipino sa kanila kaya idinadaan na lamang ito umano sa Cha Cha.
114