(NI BETH JULIAN)
MAY iba pang paraan para makakuha ng tulong medikal ang mga nangangailanga Filipino.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, handa ring magbigay ng medical assistance ang Pagcor gayundin ang mismong tanggapan ng Pangulo.
Sinabi ni Panelo na sa ngayon, hangga’t gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa umano’t talamak na katiwalian sa PCSO at mananatiling sarado ang gaming operations nito sa gaming schemes tulad ng lotto at STL, peryahan ng bayan at Keno at iba pang pinagkukunan ng PCSO ng itutulong sa mga Fiilipino na nangangailangan.
Makikipag-ugnayan naman ang PCSO sa SSS para alamin ang mga tulong na maaaring ibigay ahensya sa mga mangagawang apektado ng lotto at iba pang laro ng PCSO.
Maaaring kumuha ng unemployment assistance ang mga kasapi ng SSS na nawalan ng trabaho at kailangan kumuha lamang certification para makakuha ng nasabing benepisyo ar kapag naaprubahan, dalawang buwang financial assistance ang pwedeng ibigay sa kanila.
534