MEDICAL RESERVE CORPS SAGOT SA NATIONAL EMERGENCY

bong go55

ISINUSULONG ni Senador Christopher Bong Go ang pagkakaroon ng Medical Reserve Corps na naglalayong mapalakas pa ang kapasidad ng bansa sa pagtugon sa national health emegencies tulad ng COVID-19.

Sinabi ni Go na mahalagang magtatag ang bansa ng grupo ng medical at health-related  professionals  para makatuwang ng pamahalaan sa pagtugon sa mga health emergencies.

Kaugnay nito, ipinanukala ni Go ang Senate Bill no. 1451 o ang Medical Reserve Corps Act of 2020 na naglalayong  bumuo ng grupo na binubuo ng mga personnel na mayroong degree sa larangan ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health-related fields.

Ipinaliwanag ni Go na sa patuloy na pagdami ng COVID-19 cases, nahihirapan ang pribado at pampublikong ospital sa bansa sa pagtugon sa mga ito.

Aniya, isa sa mga hadlang sa mabilis na pagtugon ng gobyerno sa pandemic ang kakulangan ng medical personnel kaya dapat na itong tugunan.

Sakaling maging ganap na batas, ang Medical Reserve Corps ay imo-mobilized  para tumulong sa national government at local government units sa pagtugon sa medical needs ng publiko sa panahon ng national emergencies.

Ang pagkilos ng Medical Reserve Corps ay magiging base sa assessment ng Health Secretary katuwang ang mga kalihim  ng National Defense, DepEd at Department of Interior and Local Government. NOEL ABUEL

69

Related posts

Leave a Comment