(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
KANTYAW ang inabot ng Commission on Elections (Comelec) sa netizens matapos lumutang sa deliberasyon ng badyet ng poll body na iniimbestigahan nito ang alegasyon ng pakikipagpulong ng Smartmatic sa isang kandidato noong 2022 elections at hindi nito kilala kung sino ang may-ari ng naturang poll service provider.
Ayon sa mga netizen, sana’y totohanang imbestigasyon ang ginagawa ng Comelec at hindi maging ‘lutong macau’.
Sa budget deliberation para sa 2024 budget ng Comelec ay paulit-ulit na binusisi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung sinisilip na ba ng komisyon ang naturang report.
Ayon kay Senator Imee Marcos, ang sponsor ng Comelec budget sa plenaryo, iniimbestigahan pa ng Comelec ang nasabing ulat kaya hindi pa nailalabas ang resulta ng imbestigasyon.
Aniya pa, sa dalawang paraan iniimbestigahan ng Comelec ang insidente, una sa pamamagitan ng disqualification case na inihain laban sa Smartmatic at pangalawa sa itinalagang 12-man panel na nag-iimbestiga sa mga reklamo kaugnay sa eleksyon.
Sinita rin ni Pimentel ang Comelec dahil hindi nito kilala kung sino ang nasa likod o main partner at iba pang personalidad na bumubuo sa Smartmatic.
Lumalabas lang ay ang pangalan na Cesar Flores na siyang Presidente ng Smartmatic pero hindi masagot ng Comelec ang sinasabing may-ari na siyang bumisita sa bansa at nakipagpulong sa isang kandidato noong 2022.
Narito ang ilan sa mababasang reaksyon sa X kaugnay ng nasabing usapin:
TaEon1125:
Pinanalo sa Bidding, tapos naglabas ng Comelec Results ng Pre Test, tapos naglabas din ng Data na nanalo ang Marcos/Duterte, tapos ngayon di alam ang may ari. Ang T.a.n.g.a Lang
@COMELEC
HAGIYO:
Nakipag kontrata kayo ng hindi nyo alam cnu may ari ng company? wag nyo kmi gawing tanga n kagaya nyo
jeyaiy:
Kung pinabid yan, meron sa eligibility requirements na dapat magsubmit ng SEC Registration. Nakalagay doon yung mga owners and directors ng kumpanya.
Huwag nila tayong gawing tanga.
marky marc:
Nakapagpa bidding, hindi alam ang bidder? Stupidity! Bago sumali sa bidding, nagsu submit muna ng company profile, pati na ang assets and liabilities kung kaya suportahan ng pondo ang project.
Blue:
Anong klaseng procurement team meron yang comelec kung hindi alam kung sino may-ari ng smartmatic
journalist.ph:
Si Lisa Ahas kilala may-ari nyan, naka-meeting pa nga nya eh.