MENTAL HEALTH ACT, TINATALAKAY NA SA SENADO

SINIMULAN na ng Senado ang pagtalakay sa Senate Bill 1471 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 11036 o mas kilalang Mental Health Act.

Ito ay sa gitna ng mga balitang tumataas ang bilang ng mga nangangailangan ng tulong dahil sa mental health problems sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa virtual hearing, sinabi ni Senate Committee on Health and Demography chairman Christopher Bong Go na kailangang tutukan din at bigyan ng importansya ang mental health ng mga tao sa gitna ng krisis lalo na at maraming tao ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng depresyon partikular sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Go, marami na ang nadi-depress sa sitwasyon ngayong may pandemic dahil sa hirap ng sitwasyon lalo na at malayo ang OFWs sa kanilang pamilya.

Sa nasabing pagdinig ay inusisa ni Go sa mga mental health expert kung ano ang mga serbisyong puwedeng maibigay para mabantayan ang “psychological” well-being ng mga tao partikular ng OFWs na malayo sa pamilya sa panahon ng pandemic.

Tiniyak ng senador sa mga resource person sa hearing na ikukonsidera ang lahat ng mga inihayag at suhestiyon ng mga ito para sa pagpapabuti ng mental healthcare sa bansa. NOEL ABUEL

71

Related posts

Leave a Comment