MERALCO MAY BAWAS-SINGIL NGAYONG HUNYO

BABABA ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hunyo.

Ito ay dahil sa ipatutupad na bawas-singil ng naturang kumpanya kasunod ng naranasang ‘bill shock’ noong Mayo.

Sa abiso ng Meralco, 2.16 centavos per kilowatt hour ang ibababa sa singil sa kuryente ngayong buwan.

Kaya para sa mga kumokonsumo ng 200kw kada buwan, P4 ang bawas sa kanilang June billing.

Anim na piso naman ang bawas sa kada 300khw, P8 sa kada 400kwh at P12 para sa mga kumokonsumo ng 500kwh kada buwan.

Ang bawas-singil ay bunsod ng paghimok ng Meralco sa force majeure provision sa kontrata nito sa mga planta ng kuryente. KNOTS ALFORTE

81

Related posts

Leave a Comment