(NI KEVIN COLLANTES)
MAGANDANG balita dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na ng pamahalaan ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway sa bansa.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang mangunguna sa idaraos na groundbreaking ceremony sa naturang proyekto, na tinatawag na Metro Manila Subway Project, sa Miyerkoles, Pebrero 27.
Sinabi ng DOTr na ang proyekto ay may 15 istasyon, mula sa Quirino Highway hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at FTI.
Target umano nilang bago matapos ang taong 2022 ay matapos at maging operational na ang unang tatlong istasyon ng proyekto, kabilang ang Quirino Highway, Tandang Sora, at North Avenue.
Inaasahan namang magiging fully operational ang subway sa taong 2025.
Nabatid na sa bilis nitong 80 kilometer per hour (kph), aabot lang sa 31- minuto ang magiging biyahe mula North Avenue patungong NAIA at FTI.
367