MGA BAKASYUNISTA NGAYONG SEMANA SANTA HINIMOK MAGPA-BOOSTER

NAGING relax o naging kampante ang maraming Pilipino magmula nang ipinatupad ang Alert Level 1 sa maraming lugar ng bansa.

Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa. Naging barometro aniya nito ang bilang ng mga dapat sana’y kwalipikado nang magpa-booster shot subalit hindi naman ginawang magpaturok.

Aniya, naipit na sa labing dalawang milyon ang mga nagpa-booster shot samantalang nasa 66 milyon na ang may 2nd dose.

Malayo aniya ang hahabulin na datos kaya panawagan ni Herbosa sa publiko ay samantalahin ang Holy Week at walang trabaho para magpa-booster.

At kung nasa bakasyon naman, mayroon din aniyang vaccination sa mga lalawigang pupuntahan at ang ipapakita lang naman ay ang vaccination card na may two doses at lampas na ng three months.

“Medyo nag-relax iyong mga kababayan natin noong bumaba tayo sa Alert Level 1. Naipit tayo sa 12 million lang na naka-booster, whereas, 66 million na ang may two doses. So, malayo iyong hahabulin,” ayon kay Herbosa. (CHRISTIAN DALE)

111

Related posts

Leave a Comment