Mga kongresista nakaabang CALIDA MAY PASABOG PA VS ABS-CBN

INAABANGAN pa rin ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang ‘pasabog’ ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN dahil muli itong inimbitahan sa susunod na pagdinig sa prangkisa ng network.

Itinakda ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez at Committee on good government and public accountability ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang susunod na pagdinig sa Lunes, Hunyo 1, 2020 ng umaga.

Si Calida, nanghain ng quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN sa Korte, ay inimbitahan ng dalawang nabanggit na komite noong Martes subalit hindi ito nakarating.

“SolGen being absent in this hearing should be enjoined to attend future hearings,” ani Sy-Alvardo kaya muling itong inimbitahan ng dalawang nabanggit na komite.

Maging si House Speaker Alan Peter Cayetano ay umaasa na darating sa susunod na pagdinig si Calida.

“I just like to appeal sa members ng leniency kay Solicitor General at kahit today natin ini-schedule yung opening statement bigyan pa natin siya ng pagkakataon sa susunod na hearing to make the opening statement,” ayon kay Cayetano.

Inaasahan na maging main oppositor si Calida sa prangkisa ng ABS-CBN at isiwalat ang lahat ng mga legal usapin sa pagkontra nito sa prangkisa ng nasabing network subalit hindi ito nangyari.

Gayunpaman, hindi pa rin nahuhubaran ang ABS-CBN ng kanilang mga violations o paglabag sa kanilang prangkisa nang isa-isahin ni House deputy speaker Rodante Marcoleta ang atraso umano ng network.

“Mr Speaker, my distinguished colleagues, hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila puwedeng lumabas at magpalabas. Those opposing the franchise application of ABS-CBN will show, with clear and convincing evidence, that ABS-CBN did not comply with the terms and conditions of its franchise as well as our laws and the Constitution,” saad ni Marcoleta. BERNARD TAGUINOD

69

Related posts

Leave a Comment