Mga kritiko ng PECO walang nilabag na batas CONSPIRACY CASE IBINASURA NG DOJ

DAHIL sa kawalan ng sapat na merito, ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong graft, conspiracy at falsification of public documents na isinampa ng Panay Electric Company (PECO)
laban sa mga kritiko nito na kinabibilangan ng mga abogado at advocates na nasa likod ng ‘No to PECO Franchise Renewal’.

Sa resolution na ipinalabas ng DOJ na sinulat ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinabi nito na walang basehan ang kasong isinampa ng PECO laban kina Atty. Joshua Alim, Atty. Plaridel Nava II, Dr. Marigold Gonzales at Jane Javellana.

“It is clear as the day that the respondents did not falsify any document,” nakasaad sa resolusyon na pirmado rin nina DOJ State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra at Senior State Prosecutor
Richard Anthony Fadullon.

Ang kaso ay nag-ugat matapos ang kumalat na manifesto ng mga Iloilo consumer na “No to PECO Franchise Renewal” na sinasabing pinasimulan ng mga respondent. Ang nasabing manifesto ay
kumalat sa Iloilo hanggang sa Kongreso kung saan dinidinig noon ang franchise renewal application ng PECO.

Iginigiit ng PECO na ang manifesto na may lagda ng may 27,000 residente ay pineke at naglalayon lamang na paboran ang More Electric and Power Corp (More Power).

Patukoy sa reklamong graft na isinampa laban kina Alim at Nava na kapwa dating Iloilo City councilors, sinabi ng DoJ na wala silang nakita na naging paglabag sa Anti-Graft and Corrupt
Practices Act (RA 3019) ng dalawang opisyal nang lumagda ang mga ito sa manifesto.

Una nang idinepensa nina Alim at Nava na ang kanilang reklamo at aksyon laban sa PECO ay kanilang tungkulin bilang halal na opisyal lalo pa at batid nila ang reklamo ng mga consumersa serbisyo ng PECO kabilang na ang overbilling, billing without reading, inefficient services at mahinang customer service.

Pinalabas naman ng PECO na nakipagsabwatan sa dalawang abogado sina Gonzales at Javellana sa pamemeke ng lagda para sa manifesto na ayon sa DOJ ay wala ring matibay na ebidensya.

Nang hingan ng reaksyon, sinabi nina Alim at Nava na sa desisyon ng DOJ ay nakamit ng mga Ilonggo consumer ang hustisya.

“It’s pretty obvious from the very start that Mr. Cacho of PECO has no legal basis in filing those cases against us. It was a harassment tactic just to get even with us after its franchise was not acted
upon favorably by the Committee on Legislative Franchises in the Lower House,” ani Alim.

Tinuring naman ni Javellana na sa simula pa lamang ay harassment na ang motibo sa isinampang reklamo sa kanila ng PECO.

“It’s definitely a case of harassment to intimidate and stop us to do the right thing. But we knew that it was a fight worth fighting for. The Ilonggos deserve better and we deserve more from our
electric distributor. Indeed, this victory is sweet and a victory that is reserved for those who are willing to pay its price. Thank God we did it!” pagtatapos pa nito.

70

Related posts

Leave a Comment