MIF MAGIGING ‘PERSONAL WALLET’ NG CRONIES NI BBM

MAGIGING “pesonal wallet” lamang umano ng cronies at kabarkada ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil pinalabnaw ang kapangyarihan ng Audit Committee na magbabantay sa investment ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Ito ang opinyon ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas matapos mabusisi ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 o Republic Act (RA) 11945.

“Maharlika Fund’s new IRR waters down the powers of the Audit Committee, makes public funds a ‘personal wallet of cronies’,” ani Brosas, dahil sa lumang IRR aniya, magkakaroon 5 miyembro ang Audit Committee na hiwalay sa MIC.

Gayunpaman, sa bagong IRR, ang Board of Directors ng MIC ang mag-oorganisa ng audit committee at magsasabi kung ano ang lang ang dapat gawin ng mga ito.

“Clearly, the formulation of the provisions regarding the Audit Committee has been weakened as it removed specific responsibilities, such as overseeing internal controls, coordinating with the Commission on Audit, reviewing auditors’ reports, ensuring access to all records, and developing a transparent financial management system,” ayon sa lady solon.

Maging ang organization board meeting na nakasaad sa Section 48 ng lumang IRR ay tinanggal umano sa bagong IRR kaya lalong nanganganib ang pondo ng MIF dahil maaaring mapunta lang ito sa cronies para gamitin nilang puhunan sa kanilang negosyo.

“This is deeply concerning as it further opens the doors for corruption and misuse of public funds. It is evident that these revisions aim to prioritize the interests of powerful businessmen over the welfare of the ordinary Filipino people,” paliwanag pa ng mambabatas.

Unang isiniwalat na sadyang binago ni Marcos ang IRR ng MIF upang maging kwalipikadong si Rafael Consing Jr., na maging president at chief executive officer (CEO) dahil nakasaad sa dating IRR at maging sa MIF law mismo, na ang dapat mamuno sa MIC ay may advanced education sa larangan ng ekonomiya, finance at mga kahalintulad na karera.

Wala umanong ganitong kwalipikasyon si Consing na kilalang tauhan ng negosyanteng si Ricky Razon.

(BERNARD TAGUINOD)

24

Related posts

Leave a Comment