(NI BERNARD TAGUINOD)
LABIS na ang pagkabahala ng militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sunud-sunod na pagpatay sa mga akbista at mga miyembro ng progresibong grupo.
“It appears that rabid attack dogs are now going all out to eliminate activists and progressives,” paglalarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos itumba, Lunes ng umaga sa Naga City ang regional spokesman ng kanilang grupo na si Neptali Morada.
Nabatid na papasok sa kanyang trabaho si Morada, dakong alas-8:00 ng umaga nang patayin ito sa San Isidro, Naga City.
Noong Linggo ay tinambangan at pinatay ang dalawang miyembro ng Karapatan o human rights advocates sa Sorsogon City na si Ryan Hubilla at Nelly Bagasala noong Hunyo 15, kaya labis na ang pagkabahala ng mambabatas para sa kanilang mga miyembro.
Kinabukasan, isang miyembro ng Kasama-Bukidnon ng Barangay Halipatan, Sitio Malambago, San Fernando Bukidnon na si Nonoy Palma ay binaril at pinatay naman noong Hunyo 16, 2019 sa labas ng kanyang bahay.
“This madness should stop. We are calling all freedom loving people to stand up and condemn these vicious and ruthless attacks against activists and human rights defenders,” ani Zarate.
“But make no mistake, the long arm of people’s justice will eventually make these perpetrators pay for their actions,” dagdag pa ni Zarate.
322