MILITANTE NAGPASALAMAT KAY DUTERTE, KONGRESO        

militants

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lahat ng pagkakataon dismayado ang mga militanteng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Natuwa ang mga ito nang lagdaan ang ipinasang resolusyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na magpapalawig sa pagbabayad sa mga biktima ng human rights violation noong panahon ng martial law.

“It is good that Pres. Duterte signed this resolution which is in fact another evidence of the massive human rights violations during Ferdinand Marcos’regime,” ayon kay Bayan Muna chair at senatorial candidate Neri Javier Colmenares.

Nitong Biyernes ay pinirmahan ni Duterte ang joint resolution (Senate Joint Resolution No. 13 at House Joint Resolution No. 26), para palawigin pa ang maintenance, availability at paglalabas ng pondo para sa mga biktima ng karapatang pagtao noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“We thank Congress and Pres. Duterte for this, along with  human rights victims who have worked for it so that more victims can get compensation,” ayon pa kay Colmenares kaya makakaasa ang mga biktima ng mga karapatang pantao na matatanggap nila ang kanilang kaukulang kompensasyon hanggang Disyembre 31, 2019.

Nabatid naman kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na mahalaga ang nasabing resolusyon dahil 11,100 pa lamang umano sa 75,000 applicants ang kinilalang kuwalipikado na makatanggap ng kompensasyon.

“It is really a positive development that the joint resolution was signed so that those already qualified Marcos victims can get their compensation,” ayon pa kay Zarate.

 

 

 

 

 

129

Related posts

Leave a Comment