(NI NOEL ABUEL)
UMAPELA ang ilang senador sa mga militanteng grupo na dumalo sa pagdinig ng Senado upang sagutin ang dahilan ng paglaho ng mga estudyanteng aktibista.
Ayon kay Senador Ronald Dela Rosa, umaasa itong dadalo sa ikalawang pagdinig ng Senate committe on dangerous drugs ang nasabing grupo.
Nais ng senador na magpaliwanag ang naturang mga makakaliwang grupo kaugnay ng pagkawala ng ilang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), University of the Philippines (UE) na sinasabing umakyat ng bundok at sumailalim sa immersion.
Magugunitang sa unang pagdinig ay bigong lumutang sa nasabing komite ang militanteng grupo kung kaya’t umapela si Dela Rosa na dumating ang mga ito sa imbitasyon.
Sa unang pagdinig ay dumalo ang mga magulang ng nawawalang kabataang estudyante na sinasabing ni-recruit ng makakaliwang grupo.
Ang mga estudyante ay kinabibilangan ng tatlong menor de edad na babae na sinasabing ni-recruit ng Anakbayan at LFS.
162