(NI ABBY MENDOZA)
PINATITIGIL ng isang mambabatas ang anumang uri ng mining activities sa Mindanao kasunod ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun hindi maitatanggi na may nakaambang panganib sa mga minero dala ng naganap na pagyanig.
“It would be prudent now for the authorities to suspend mining activities and conduct onsite inspections to ensure the safety of mineworkers. There are accounts showing that many of these mineworkers are not regular employees and thus deprived of benefits due to workers employed in a hazardous environment, not to mention that in certain areas, some workers are even children,” paliwanag ni Fortun.
Dagdag pa ni Fortun na una nang nag-abiso ang Phivolcs na maaaring may maganap pa na malakas na pagyanig dahil sa serye ng lindol kaya mainam na habang hindi pa nakukumpleto ang inspeksyon sa Mindanao ay itigil na muna ang pagmimina.
Si Fortun ang may akda ng House Resolution 125 na naghumihiling na magkaroon ng imbestigasyon sa epekto ng mining sa kalikasan, agriculture, public health, karapatan ng indigenous people at government revenues.
392