MINORITY BLOC SA KALUSUGAN NI DU30 : MAY AGIMAT YAN!

suarez12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI nababahala ang minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte bagkus ay sinabing umaarte lamang umano ang Pangulo.

Sa mediar briefing nitong Lunes, hindi naniniwala si House minority leader Danilo Suarez na may iniindang malalang sakit si Duterte bagkus ay umaarte lamang umano ito.

“Arte lang yun, may agimat yun,” pahayag ni Suarez matapos mapansin ng publiko ang hindi maayos na paglakas ni Duterte  sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) noong Linggo.

Napansin din ng mga tao na hindi nagtatagal sa pagtayo si Duterte kaya ang Class Valedictorian at ang Goat of the Class ang inabutan nito ng diploma sa nasabing seremonya.

Ayon kay Suarez, wala umanong bisyo si Duterte dahil matagal na umano itong tumigil sa paninigarilyo at hindi rin umiinom ito ng alak kaya wala umanong dapat ipag-alala ang publiko sa kanyang kalusugan.

Naniniwala ang mambabatas na matatapos ni Duterte ang kanyang termino hanggang 2022 kung saan idinagdag nito na “….and we should pray that he remains healthy.”

Sinabi ng mambabatas na kailangan ng bansa si Duterte lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga dahil malaki pa umano ang problema dito ng bansa.

“With the dymanic leader like him, palagay ko kung hindi sila nanalo noong 2016 palagay ko narco state na tayo ngayon. Alam niyo naman kung gaano kalalim ang involvement ng drugs sa law enforcement. Even in judiciary nandun na sila,” ani Suarez.

 

190

Related posts

Leave a Comment